51

By

Kristen Stewart, gustong pakasalan noon si Robert Pattinson

Nang sumikat ang pelikulang “Twilight”, marami ang nabaliw sa tambalan nina Robert Pattinson at Kristen Stewart.

Maging sa totoong buhay ay nagkaroon sila ng relasyon.

Kaya naman marami ang nanghinayang nang maghiwalay silang dalawa.

Maging ang aktres na si Kristen ay maituturing na “TOTGA” or “the one that got away” ang ex na si Robert.

Isiniwalat niya ito nang makapanayam siya ni Howard Stern.

Pumasok na rin si isip ni Kristen na si Robert na nga ang kanyang “The One”. Muntik na rin silang ikasal dahil ‘yun na lang ang kulang.

Aniya, “I wanted to. Yeah, no, I’ve never been in.”

Tumagal din sa halos siyam na taon ang relasyon nila ni Robert. Maituturing niyang “the best boyfriend” ang aktor.

Sey niya, “We were together for years, that was my first.”

Sikreto lang ang relasyon nilang dalawa.

Sey niya, “We didn’t get to walk down the street holding hands, and it sucked.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?