150
Kris, Tony Labrusca magsasama sa proyekto
By

Kris, Tony Labrusca magsasama sa proyekto

Balik sa pag-arte si Kris Aquino at kabilang sa makakasama niya ay si “Glorious” actor Tony Labrusca.

Ibinahagi ni Tetay sa kanyang Instagram ang kaisa-isang eksena nila ni Tony na para umanong makatotohanan.

Gaganap siyang ina ni Tony sa hindi pa batid na proyekto.

“The night must end with me saying THANK YOU to @tony.labrusca… i was impressed with you in La Luna Sangre but you made it effortless for me to portray your mother today. i cannot say more except- you have my most sincere gratitude for making our 1 scene feel so REAL,” sabi ni Kris sa caption.

Samantala, nag-comment sa post si Tony at nagpasalamat kay Kris.

“Thank you for allowing me to work with you, ate Kris. I really appreciate how kind you were. Something I can finally cross off my bucket list,” aniya.

Huling proyekto ni Kris ang “I Love You, Hater” kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto habang si Tony ay ang hit movie na “Glorious”, ka-loveteam naman si Angel Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?