33

By

Kris pinagkaguluhan matapos palayasin sa gasolinahan

Lingid sa kaalaman ng mga guard, si Kris Aquino pala ang sakay ng sasakyan na kanilang pinalayas sa isang gasolinahan sa may Camp Crame.

Kuwento ng staff ni Kris, nagpabili sila ng pagkain na takeout pero natagalan ito kaya naka-park sila sa Petron sa Crame.

Dahil sa tagal, pinaalis ang sasakyan ni Kris ng guard kaya ang ginawa ng aktres, bumaba siya at nakiusap na sandali lang naman sila at nagbiro pang endorser naman siya ng Gasul.

Matapos ay ang dami nang nagkagulo at nagpa-picture kay Kris maging ang guard na nagpalayas sa kanila.

Biro tuloy ni Kris sa naturang guard: Ayoko nga, mean ka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?