304
Kris nakahalik kay ‘Spider-Man’
By

Kris nakahalik kay ‘Spider-Man’

Naglamyerda sa Japan si Kapuso actress Kris Bernal.

Sa kanyang Instagram account, kabilang sa pinuntahan niya ang University Studio Japan kung saan nagawa niyang makapagpa-picture sa hinahangaang si “Spider-Man”, kahit pa nga sa statue lang.

Ani Kris, may “huge crush” siya kay Tom Holland, na latest na gumaganap na Peter Parker o Spider-Man.

“If you could choose one Marvel character to exist in real life, who would it be? Mine would be Spiderman. I have a huge cruuush on Tom Holland! Lol! Noticeeee meee plsssss..” ani Kris sa caption habang naka-kiss kay “Spider-Man”.


Binisita rin ni Kris ang Osaka Castle kung saan niyang na-experience ang sikat na cherry blossom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?