296

By

Kris naghanap ng hired killer sa Tarlac – Falcis

Inilahad ng dating business manager ni Kris Aquino na si Nicko Falcis na naghahanap umano ang aktres ng hired killer para sa kanya.

Sa Instagram post ni Nicko, nagbintang ito na balak siyang ipapatay ni Kris kaugnay ng ninakaw umano nito sa Kris Cojuangco Aquino Productions.

Una raw ay noong Disyembre 2018 kung saan naghanap umano si Kris ng hired killer sa kanilang balwarte sa Tarlac.

“Thank you Lord for sending me angels: brave souls who told me someone was asking last December, 2018: “Cuz, do you know hired killers from Tarlac?” saad ni Nicko.

Nasundan umano ito ngayong Marso, sinabi na nagtanong naman ito sa isang kongresista kung may kakilala itong mga goon.

“And in March, 2019, someone asking her powerful friends or Congressmen if: “Do you know goons for hire?” bintang pa nito.

Inilabas ni Falcis ang alegasyon matapos i-dismiss ng Taguig Prosecutor’s Office ang kasong qualified theft case laban sa kanya, ngunit inirekumenda namang kasuhan siya ng estafa at credit card fraud ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?