305

By

Kris masama ang bagsak pero ‘di makainom ng painkillers

Nagkaroon ng malaking pasa sa katawan si Kris Aquino matapos ang masamang bagsak umano niya.

Sa kanyang Instagram ibinahagi niya ang larawan ng namumula pang pasa.

“I took a bad fall early Monday morning, this picture is already from Wednesday… but i had a webisode shoot for a company that stayed with me through it all,” ani Kris.

Sa kabila aniya ng nangyari sa kanya ay tinuloy niya ang shoot at natapos ito nang may willpower to get the job done.

Nilinaw din niyang hindi siya nagpapaawa kundi update lang sa kanyang mga kaibigan at basher kung bakit siya nananahimik.

“So March 4, apart from the 2.5 hour delay, TINULOY ko, TINAPOS ko, and pag napanuod ninyo when we upload- you won’t know what i soldiered through… it was pure willpower to get the job done. i am allergic to all painkillers so it’s been essential oils & bed rest. Hindi nagpapaawa effect, nag update lang for my friends & bashers kung bakit sobrang tahimik,” sabi pa ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?