124

By

Kris kay James: Thank you I have Bimby

Pursigido nang tapusin ni Kris Aquino ang mga negatibong bagay sa kanyang buhay kabilang na ang hindi nila pagkakaunawaan ng dating mister na si James Yap.

Sa kanyang March 18 vlog na may pamagat na “Unboxing of Crystals”, sinabi nitong dahil sa magtu-12 na si Bimby o James Jr., sa April ay ipapagpag na niya ang lahat ng negativity na bumabalot sa kanya kaya nagpasalamat ito kay Yap dahil nagkaroon siya ng Bimb sa kanyang buhay.

“The greatest gift talaga is that I have Bimb. So for that, thank you. And God bless you, and have a good life ahead of you. Sincere ‘yan, kasi nagawa straight du’n sa camera. Sincerely — dahil nga in a month’s time, Bimb will be 12 — had it not been for you of course, walang Bimb. Thank you for Bimb. God bless you, and God bless your family,” mensahe ni Kris kay James.

Ikinasal sina Kris at James noong July 2005. Naghiwalay sila makalipas ng limang taon.

Mayroon nang ikalawang asawa si James na si Michela Cazzola kung saan may dalawa na silang anak habang nanatiling single si Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?