108
Kris, Falcis mala-sitcom ang asaran
By

Kris, Falcis mala-sitcom ang asaran

Sunod-sunod ang sagutan nina Kris Aquino, Atty. Jesus, at Nicko Falcis ngayon.

Sa Instagram story ni Kris, nagbahagi siya ng video clip na naglalaman ng throwback pictures nilang dalawa ni Falcis at kalakip ang caption na: “Nicko, I only wanted to check on you, after all no matter this unfortunate ending, we actually did build SOMETHING to be proud of… tumingin lang ako sa IG mo, BLOCK agad? How sad… Just in case you miss me – edited a video to refresh your memory.”

Agad namang sumagot ang kapatid ni Nicko na si Jesus sa pamamagitan din ng Instagram.

Ipinost niya ang screenshot ng naturang post ni Kris at dumepensang si Kris umano ang naunang nang-block kay Nicko at in-unblock lang daw niya ito dahil hindi raw mapigilang i-stalk ni Kris si Nicko.

“Diyos ko hindi Phillip Salvador, Joey Marquez, or James Yap si Kuya. Tantanan mo kami, death threat Queen! Hindi ka miss ni Kuya!” dagdag na sabi pa ni Jesus.

Heto pa ang kasunod na post ni Jesus:

“Akala mo maloloko mo kami sa pa-sweetums mo? Haha fail ka! But I promise you this, you’ll have your own chance to experience having a case and served a warrant #DeathThreatWarrantsAnArrest.”

Ni-repost ng sister nina Nicko at Jesus na si Charlene Falcis ang post na ‘yon, at nagmensahe rin ito na, ‘naki-creepy-han raw siya kay Kris at siya nga raw ang pinaka nakaka-creepy umanong taong nakilala niya. Kinilabutan pa nga raw si Charlene sa post ni Kris.

Bongga, di ba? Para kang nanonood ng sitcom sa asaran nina Kris at Falcis.

Naku, penge ngang popcorn, habang nanonood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?