34

By

Kotse ng boss, pinangbingwit ng prosti: Tauhan ng PH Coast Guard sibak!

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na sibak sa tungkulin ang isa nilang tauhan matapos makuhanan sa video na kumukuha ng prosti sa isang bar sa Quezon City.

Ang masama pa, kotse ng kanyang supervisor ang kanyang ginamit na sasakyan sa pag-pickup ng mga ito.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Joel Garcia, si Seaman Second Abulbair Turabin ay wala na sa serbisyo matapos ang insidente.

“After the receipt of complaint, Turabin was immediately placed under preventive suspension pending investigation of the case,” ayon sa pahayag ng PCG.

“Upon review and evaluation of the case, PCG Spokesperson Captain Armand A Balilo said Turabin has been found guilty of utilizing a government vehicle for personal matters and outside office hours which is against the rules and regulations of the uniformed armed service and other public servants,” saad pa.

Ayon pa kay Garcia, hindi nila kinukunsinti ang kaparehong ginawa ni Turabin at dapat umano’y manatili ang magandang morale sa bawat pagkakataon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?