34

By

Kotse ng Bacolod councilor, asawa, niratrat ng bala

Pinaulanan ng bala ang sinasakyang kotse ni Bacolod City Councilor Ricardo Tan at ng kanyang asawa na si Nita sa Barangay Alangilan, Bacolod noong Biyernes.

Lulan ang mag-asawa ng isang Nissan na SUV para makauwi na sa kanilang tahanan ngunit tatlong katao umano sakay ng isang puting sasakyan ang bumaril sa direksyon ng mag-asawa.

Maswerteng nakaligtas ang dalawa, na walang tinamong tama sa kahit anong parte ng katawan, ngunit nagkaroon ng sugat dahil sa basag na salamin ayon kay Senior Insp. John Christopher Masangkay.

Ayon sa SOCO, natagpuan ang 24 basyo ng bala galing sa rifle at pitong basyo ng bala naman galing sa kalibre 45 base sa report.

“We condemn the ambush. There are no justifiable grounds for it. It is unfortunate that it happened in an area that is a tourist destination,” ayon kay Bacolod Mayor Evelio Leonardia, na dinalaw ang mag-asawa na kasalukuyang nagpapagamot sa Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?