615

May 22, 2020 @ 13:36

Kotse, motorsiklo pinagsama sa Ilocos Sur

Pinag-usapan ng mga netizen ang isang “Motse,” o pinagsamang motorsiklo at kotse, sa Ilocos Sur.

Ang naturang sasakyan, sa ulat ng “Unang Balita” ngayong Biyernes, ay likha ni Mr. Calderon na nagmamay-ari ng isang talyer sa bayan ng Bantay.

Pinagawa lang aniya sa kanya ng isang doktor ang behikulo na motorsiklo ang harapan habang kalahati ng kotse ang likuran.

Niro-road test lang umano ni Calderon ang Motse nang makuhaan siya ng larawan at mag-viral sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?