335

By

Kostumer nagpahawak ng ari, pinakulong ng masahista

Kulungan ang bagsak ng isang call center agent matapos ireklamo ng pambabastos ng isang massage therapist makaraang magpamasahe ang suspek at piliting pahawakan ang kanyang ari, Lunes ng gabi sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District, nakilala ang suspek na si Chris Henry Santiago, 39, call center agent at residente ng Barangay Concepcion Uno.

Nahaharap sa kasong unjust vexation ang suspek matapos ireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Anna, 18, massage therapist.

Naganap ang insidente alas-siyete ng gabi (June 24) sa loob ng bahay ng suspek sa Barangay Concepcion Uno.

Nabatid na nag-request ng home service massage ang suspek.

Ayon sa biktima, nagsisimula na siyang magmasahe sa suspek nang biglang hawakan ng suspek ang kanyang kamay at pilit na pinapahawak sa kanya ang ari ng suspek.

Nagpumiglas ang biktima at nagulat na lang siya nang mag-masturbate ang suspek sa kanyang harap.

Sa takot ay agad na tumakbo palabas ang biktima at agad na isinumbong sa kanyang tiyuhin ang pangyayari na nagreklamo naman sa Marikina CPS PCP 6.

Agad namang naaresto ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong unjust vexation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?