302
Korte Suprema kinondena ang pagpaslang kay Zamboanga Judge Lacaya
By

Korte Suprema kinondena ang pagpaslang kay Zamboanga Judge Lacaya

Pinapamadali ng Korte Suprema ang imbestigasyon para sa pagpaslang kay Zamboanga Judge Reymar Lacaya.

“The entire Judiciary condemns in the strongest possible terms the killing of Judge Lacaya. I am urging the authorities to exert their best efforts for the immediate apprehension of those responsible for Judge Lacaya’s death,” ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin.

Pinaslang si Lacaya nitong Huwebes ng gabi sa Liloy, Zamboanga del Norte.

Si Lacaya ang ika-30 judge na pinaslang habang nasa serbisyo mula noong 1999.

Pinaalala din sa statement ni Bersamin ang Guidelines for Detail of Court Personnel as Security of Judges, na nagpapahintulot sa mga hukom na mag-apply ng permit to carry firearm kontra mga death threat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?