306

By

Korina nahihiyang manghingi ng pera kay Mar

Nagkuwento si Korina Sanchez tungkol sa relasyon nila ng asawang si Mar Roxas pagdating sa pera.

Sa interview niya na naka-post sa YouTube channel ng entertainment writer na si Allan Diones, sinabi nitong hindi siya nanghihingi ng pera sa mister na si Mar.

“Hindi ako humihingi ng pera sa asawa ko, ever, sampung taon na kaming kasal ha,” saad ni Korina.

Hindi rin niya madalas umanong tanggapin ang pera na ibinibigay ni Mar.

“Bibigyan niya ako kapag nagbibiyahe. Nung una, mayabang pa ako, hindi ko tinatanggap ‘yan. Ngayon, medyo nahihiya na ako kaya tinatanggap ko na, ako pa nahihiya na hindi ko tinatanggap. Pag may sukli binabalik ko,” ani Korina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?