23

May 15, 2020 @ 17:58
By

Koreano sa Nueva Ecija, huli sa pekeng dolyar

Nadakip ang isang Koreano at walo pa matapos na harangin ang kanilang sinasakyang van sa isang checkpoint sa Nueva Ecija.

Noong Miyerkoles ay nabisto na may dalang pekeng dolyar ang Koreanong negosyante na si Joseph Kim, at may mga materyal pa panggawa ng pekeng pera.

Ito’y matapos na inspeksyunin ang kanilang van dahil walang maipakitang travel pass ang Koreano at walo pang pasahero sa checkpoint ng Bagong Silang.

Dahil dito’y inaresto si Kim kasama pa sina Rosemarie Yap, 53; Felt Yap, 55,; Christopher Francisco, 43; at Butch Dayrit, 55, na kapwa mga taga-Pampanga.

Dinakip din sina King George Apiado, 42; Wilfredo Agdeppa, 37; Oliver Agdeppa, 43,; at Aladdin Abian, 44.

Nakita sa mga suspek ang dalawang bag na may lamang blangko na mga dollar note, pati na rin ang mga gold metal plate na panggawa umano ng pekeng pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?