40
3 Badjao huli sa pagpatay sa pawikan
By

Koreano na wanted sa drug smuggling, arestado sa Caloocan

Naaresto ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit ang isang puganteng Koreano na pinaghahanap sa kanilang bansa dahil sa drug trafficking.

Sa pakikipag-ugnayan umano kay Korean Police Attaché Chang Sungsoo, nadakip ang 49-anyos na si Lee Yun Sung sa No. 3 Soli Street, Barangay Sangandaan, Caloocan City.

Wanted umano sa Korea si Lee dahil sa paglabag sa Korean Narcotics Control Act at may mga warrants of arrest para sa drug smuggling na inilabas ng tatlong korte sa Korea.

Ang suspek umano ang nagpupuslit ng kilo-kilong iligal na drog mula sa Pilipinas patungong Korea.

Nakatala rin siya sa Red Notice List for Narcotics Trafficking ng Interpol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?