72
jail
By

Korean inmate nakatakas sa bantay na jailguard

Pinaghahanap na ang isang bilanggong Korean na nakapuga matapos dumalo sa pagdinig sa Tarlac City noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, nakadetine si Park Wang Yeol sa Pampanga Provincial Jail (PPJ) dahil sa mga kasong illegal possession of firearms at murder.

Pabalik na sana ng PPJ matapos ma-reset ang kanyang arraignment, kumain lang sandali sa kalapit na kainan ang mga police escort niya sa Barangay San Rafael habang dumiretso sa CR ang Korean nang walang bantay.

Nakatakas si Yeol sa pagdaan sa ventilation window

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?