24

By

Korapsyon sa Customs, puwede nang isumbong sa Hotline 8484

Inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang text hotline na 8484 kung saan maaaring i-report ng publiko ang korapsyon at iregularidad ng mga empleyado at opisyal ng ahensiya.

Ayon sa BOC, maaari ring isumbong sa hotline ang brokers, importers, fixers at iba pang sangkot sa smuggling, bribery, illegal drugs at illegal activities.

Kailangan lang i-text ito ng mga mamamayan sa 8484 kasama ang complete information gaya ng pangalan ng taong sangkot, anong illegal activity ang ginawa nito at kailan, paano, saan ito ginawa.

Siniguro ng BOC ang “confidentiality” nito at pagpa-process immediately.

Available umano ang 8484 hotline para sa Globe-TM subscribers, 24/7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?