59
Babaeng escort timbog sa panghuhuthot sa banyaga
By

Korap na ex-Chinese official nagtago sa Pasay, arestado

Isang dating opisyal ng gobyerno sa China na wanted dahil sa katiwalian ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration (BI) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Lungsod ng Pasay.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Xie Haojie, 49, na nadakip sa kanyang bahay sa isang condominium building sa Pasay City.

Ayon kay Morente, halos isang taong nagtago sa Pilipinas si Xie na nahaharap sa kaso ng katiwalian at economic crimes.

Agad umanong isasalang sa deportation proceeding si Xie.

“He will immediately be deported back to China so he could face the cases lodged against him. His name will also be included in our blacklist to prevent him from re-entering the Philippines,” saad ni Morente.

Ikinasa ang operasyon laban sa banyagang suspek matapos na hingin ng mga awtoridad ng China ang tulong ng BI at PACC.

“The PACC was informed of this case by their counterpart in China, and they immediately coordinated the details to us,” paliwanag ni Morente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?