179
Kontrobersiyal na GlutaMAX ad, hindi aprubado ng Ad Standards Council
By

Kontrobersiyal na GlutaMAX ad, hindi aprubado ng Ad Standards Council

Naglabas ng pahayag ang Ad Standards Council (ASC) hinggil sa kontrobersiyal na ad ng GlutaMAX na nanghihikayat sa mga morena o may dark skin na gumamit ng pampaputi para makaiwas sa diskriminasyon.

Matatandaang naging tampulan ng negatibong komento sa mga kababaihan na morena ang naturang ad na nagpapakita ng pagkakaroon ng bentahe ng may maputing balat.

Batay sa pahayag ng ASC sa Inquirer report, hindi nila aprubado ang naturang GlutaMAX advertisement.

“ASC stands for responsible communications and abides by a strict code of ethics. In connection with the recent GlutaMAX skin care digital and outdoor ads, the materials posted and displayed were not approved by ASC,” saad nito.

Ipinunto ng ASC ang Article IV Section 1 sa kanilang Code of Ethics on disparagement na nagsasaad na: “Advertisements shall not directly or indirectly disparage, ridicule, criticize, or attack any natural or juridical person, groups of persons, or any sector of society, especially on the basis of gender, social or economic class, religion, ethnicity, race, or nationality”.

Ang pag-post umano ng hindi aprubadong materyal gaya ng sa GlutaMAX ay paglabag sa kanilang Manual of Procedures.

Kabilang sa parusa ng ASC ang multa at pag-ban sa advertising materials ng ilang buwan o hanggang taon depende sa paglabag.

Ang ASC ay may mandatong protektahan ang mga consumer mula sa misleading, indecent at unlawful advertisements.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?