183
MPBL: Buenafe paandar sa Heroes
By

Kontrata binalewala! Ginebra draftee Salado kakasuhan ng Manila Stars

Nainis ang management ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) team na Manila Stars Frontrow sa dating Arellano star na si Kent Salado.

Ito’y matapos na hindi na um-attend ng mga ensayo, laro at team function si Salado kahit pa may kasalukuyan pa itong kontrata sa koponan.

Kasunod pa ay ang pagpapa-draft ni Salado sa 2019 PBA Draft, na nakuha ng Ginebra sa 22nd pick.

Dahil dito’y nagpadala na ng liham ang Manila Stars kay PBA Commissioner Willie Marcial dahil sa hindi pagtupad ni Salado sa kanyang kontrata.

“The continuous blatant failure to comply on his (Salado) end of the contract will force us to take legal action,” ayon sa liham na pinadala sa PBA top official.

Sa Marso 2020 pa mapapaso ang kontrata ng Arellano star para sa MPBL team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?