60
Kongreso bigo pa rin sa 2019 budget
By

Kongreso bigo pa rin sa 2019 budget

Matapos ang tatlong oras na pagpupulong ng Senate at House contingents, hindi pa rin nagkasundo ang Kongreso sa isyung bumabalot sa 2019 General Appropriations Bill (GAB).

Bagaman hindi naresolba ang buong isyu sa budget, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na nagkaroon naman ng progreso ang kanilang pag-uusap.

Sa Marso 26, sinabi ni Lacson na sa huling pagkakataon ay susubukan muli nilang matugunan ang isyu sa budget.

“Some progress. We’re still working on it. We’ll meet again tomorrow. Hopefully, we can follow through and finalized tomorrow,” sabi ni Lacson.

Umaasa naman si Rep. Rolando Andaya, chair ng House committee on appropriations, na matapos marinig ang mga hinaing ng Senado at magkaintindihan sa isyu ay magkakasundo na ang Kongreso sa bagong budget bago ang Marso 29.

“We had a very lively conversation. We were able to explain both our sides in a very conducive manner for understanding at hopefully sana tomorrow, we are able to come into an agreement,” sabi ni Andaya.

“At this point in time, it’s very positive that we can come to an agreement. Hopefully tomorrow we can get there,” sabi pa nito.

Bukod kay Lacson, dumalo rin sa pulong na ginanap sa tanggapan ni Senate President Vicente Sotto III sina Senators Loren Legarda at Gringo Honasan.

Ang three-man team naman mula sa House, ay binubuo nina Andaya, San Juan City Rep. Ronaldo Zamora at Albay Rep. Edcel Lagman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?