67

Nov 19, 2018 @ 18:54
By

Kongresista, sinipa bilang miyembro ng Kamara

Inalis sa pagka-kongresista ang kinatawan ng ABS partylist na si Rep. Eugene Michael de Vera.

Sa manifestation ni House majority leader Rolando Andaya, sinabi nitong nakatanggap ng sulat ang Kamara mula sa presidente ng ABS partylist na si Ms. Catalina Leonen-Pizarro na nagsasabing tinanggal na ng partylist si De Vera bilang miyembro.

Natanggap din ng kapulungan ang resolusyon ng Comelec en banc na nag-uutos sa kanilang Law Department at sa Kamara na sagutin ang isyu sa expulsion ni De Vera.

Nakasaad sa resolusyon na bilang miyembro ng Kamara, si De Vera ay nasa hurisdiksyon at sakop ito ng rules and regulations ng mababang kapulungan.

“In view of the foregoing, may I request that the Secretary General be instructed to drop from the roll of members of the House of Representatives Eugene Michael B. De Vera and allow the nominee-next-in-line of the ABS partylist, the Honorable Ulysses G. Garces, to take his oath as member of the House and Representative of the ABS partylist, pursuant to the certificates of nomination and acceptance of ABS partylist organization, as forwarded by the Law Department of the Commission on Elections,” saad sa manifestation ni Andaya.

Inalmahan ito ni De Vera at iginiit na hindi puwedeng ang Comelec ang magdesisyon dito dahil salig sa Konstitusyon ay tanging ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) lamang ang may hurisdiksyon sa ganitong isyu.

Pero sa huli, hindi na napagbigyan pa ng Kamara si De Vera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?