3,538

By

Komedyanteng si Chokoleit, pumanaw na


Binawian ng buhay ang komedyanteng si Jonathan Aguilar Garcia, o mas kilala bilang Chokoleit, matapos nitong mag-perform, Sabado ng gabi.

Nasa Abra si Chokoleit para sa Kawayan Festival 2019 kung saan nag-stand up comedy at kumanta ito sa harap ng madla.

Kapansin-pansin sa kanyang set ang kahirapang huminga, at matapos ang performance ay kinumpirma ng Star Magic ang pagpanaw ng komedyante.

“Details are still being gathered. Chokoleit was performing in an out of town show in Abra, and experienced difficulty in breathing after his performance,” ayon sa statement. 

Nagpaabot na ng pakikiramay ang ilang kasamahan sa industriya sa pagpanaw ng 46-anyos na komedyante.

“Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend. Im sad that we lost him. But happy that he’ll be in a much peaceful and happier place now with you. Thanks for everything Chokie. I love you!!! Rest well my friend,” ayon sa tweet ni Vice Ganda.

“RIP @chokoleitWiTS. The laughter and happiness you brought to everyone will surely be missed. Such a sad day,” pakikiramay naman ni Paulo Avelino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?