418
gang-rape
By

Kolehiyala na-gang rape sa inuman

Nahaharap sa kasong rape ang limang estudyante matapos umanong pagtulungang halayin ang kanilang kaklase sa Cagayan De Oro City.

Ayon sa police report, sumama ang biktimang tourism student sa selebrasyon ng 21st birthday ng isa sa mga suspek.

Nagkaroon umano ng inuman sa boarding house ng may birthday kung saan dumating ang 23-anyos na biktima alas-singko ng hapon noong Martes (Agosto 6).

Nang malasing ay natulog ang biktima sa kama ng may birthday.

Dito na umano nangyari ang panghahalay.

Naaresto umano ang tatlong suspek habang nakatakas ang isa pa.

Kinilala ang mga suspek na sina Jemboy Toñacao, 21; Clint Caballero, 18; Jason Veter at isang Junel.

Karamihan umano ng mga suspek ay kaklase ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?