1,947

By

Kobe, Vanessa ayaw magsabay sa paglipad

Nagkaroon ng kasunduan sina Kobe Bryant at asawang si Vanessa Laine na hindi sila sabay sasakay sa isang helicopter.

Sa chopper crash namatay ang dating Los Angeles Lakers star, kasama ang 13-anyos na dalagitang anak na si Gianna at pitong iba pa.

“He and Vanessa had a deal that they would never fly on a helicopter together,” pahayag ng isang source ng People.

Bukod kay Gianna, puro babae din ang tatlo pang anak nina Kobe at Vanessa, 37: Natalia, 17, Bianka, 3 at Capri, 7-month-old.

Sinabi rin ng source ng People na sasakay lang si Kobe sa chopper kung si Ara Zobayan ang piloto. Si Zobayan ang nagpapalipad sa chopper nang mag-crash ito.

Naglalaro pa sa Lakers ay gumamit na ng helicopter si Kobe para iwas-traffic mula bahay nila sa Orange County papuntang Staples Center sa downtown Los Angeles kapag may home games.

Sa latter half ng kanyang career, nagka-injury na rin si Kobe. Umiiwas siyang sumakay ng kotse dahil sa tagal sa trapik ay nananakit ang mga iniinda kaya mas komportable siya sa helicopter para pagdating sa laro ay sariwa pa.

Isa pang dahilan ay ang pamilya. Mas mahaba raw ang oras niya sa asawa’t mga anak dahil mabilis ang biyahe.

“I was sitting in traffic and I wound up missing like a school play,” pahayag ni Kobe kay Alex Rodriguez noong 2018. “I had to figure out a way where I could still train and focus on the craft but still not compromise family time.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?