193
Kobe-Ricci vs Thirdy sa UAAP 3x3
By

Kobe-Ricci vs Thirdy sa UAAP 3×3

Masusubukan na ang tikas ng bagong bihis na University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP 3×3 tournament na mangyayari sa weekend, Ayala Malls Feliz.

Haharap sa matinding kompetisyon sina Kobe Paras, Ricci Rivero, at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano para sa UP.

Babanat naman sina Thirdy Ravena, Matt Nieto, Matthew Daves at UAAP Rookie of the Year Ange Kouame para sa Ateneo.

Kakamada naman sina Jerrick Ahanmisi, Simon Camacho, Keith Zaldivar at Jerom Lastimosa para sa Adamson.

Para sa La Salle, sasalang sina Encho Serrano, Mark Dyke, Christian Manaytay at Jordan Bartlett.

Lalarga naman para sa NU sina Daniel Chatman, JV Gallego, Michael Malonzo at Karl Penano para sa NU, susuwag sina Wendell Comboy, Alec Stockton, Barkley Ebona at Clifford Jopia para sa FEU, habang sasakmal sina Souleman Chabi Yo, Rhenz Abando, Dave Ando at Renzo Subido para sa UST.

Hindi naman sasali ang University of the East sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?