43

Feb 13, 2020 @ 19:11
By

Kobe pumatol sa basher, Kiefer nangunsinti

Napakamot-ulo na lang si UAAP star star Kobe Paras nang may napansing banat na tweet mula sa isang netizen.

Inopinyon ng ‘basher’ na layasan na lang ng UP Fighting Maroons player ang national men’s basketball training team o Gilas pool dahil puro lang naman pagpapapogi sa modelling career ang inaatupag niya.

“Kobe Paras need to officially withdraw from the pool since it’s interfering with his professional modelling career,” bulalas ni netizen @iamloyk. “ Im betting that this guys does not even show up in practice and never play in any windows.”

“The UAAP season ended in December & its already February. J ust BS excuses,” hirit pa ng netizen sa kanyang Twitter.

Napatanong na lang sa kawalan ang 22-anyos na cager nang i-retweet niya ang bash sa kanya na may caption na: Wwhat did I do to you bro?” kasama pa ang nakangiting emoji.

Suportado naman si Paras ng kanyang teammate sa Gilas na si Kiefer Isaac Ravena nang sagutin din ang namba-bash.

@kieferravena: “He’s all over bro. Don’t mind him. Number 1 fan.”

Hindi rin papahuli si Mighty Sports coach Charles Tiu nang mag-reply kay Kiefer.

@charlestiu: “Yup I blocked him too. Lol hahaha. Don’t mind him Kobe. Do your thing.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?