66

Kobe Paras etsapwera sa ‘All-Star’ ng Mighty Sports

Hitik sa mga bagitong may potensyal na maging star player pagtungtong ng pros ang mga manlalaro ng Mighty Sports na sasalang sa 2020 Dubai Invitational Tournament.

Nandyan sina NBA prospect Kai Sotto, at ilang mga UAAP star tulad nina Thirdy Ravena, Dave Ildefonso, Jamie Malonzo, at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano.

Ngunit kapansin-pansin ang pagkawala ng isa pang malakas na amateur star ng ‘Pinas na si Kobe Paras.

Sa tweet ng UP forward ay pinaabot nito ang kanyang pagbati sa anim na manlalaro na sasalang sa Dubai, tinawag itong ‘All Star’ cast.

Marami naman ang napatanong kung bakit hindi siya nakasama sa lineup, na tugon naman ni Mighty Sports coach Charles Tiu ay gusto niya rin sana ngunit huli na.

Sey naman ni Kobe, may next time pa naman para sakaling marepresenta ang Pilipinas sa Mighty Sports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?