329

By

Kobe pangatlo lang sa usapang G.O.A.T.

Aminin na, pangatlo lang si Kobe Bryant sa usapan ng greatest player of all time ng NBA.

Nauwi ang debate kina Michael Jordan at LeBron James.

Pero sa padamihan ng kampeonato sa ngayon, pangalawa ang lima ni Kobe sa anim ni Jordan (dalawang three-peat).

Lahat ng championship rings ni Jordan, mula sa Chicago Bulls.

Si Kobe, may three-peat din (2000-2002) sa ilalim ni coach Phil Jackson, ang arkitekto ng dalawang three-peat ni Jordan at ng Bulls noong ‘90s.

Si LeBron, three-time champion na – dalawa sa Miami (2012, 2013) at isa sa Cleveland (2016).

Kelan lang, binanggit ni Jordan na magkaiba sila ng panahon ni LeBron kaya hindi tugma na pagdebatehan kung sino sa kanila ang GOAT.

Dumating ng NBA si Kobe noong 1996 – unang taon ng pangalawang three-peat ni Jordan.

Si Kobe, nagbago ng jersey number pero hindi nag-iba ng team. Ang Nos. 8 at 24 niya, parehong nakasabit sa rafters ng Staples Center.

Hindi nag-iba ng address si Kobe, buong 20 years niya ay sa Lakers.

Kahit nang lumayas si Shaquille O’Neal papuntang Miami pagkatapos ng three-peat, nanatili sa LA si Kobe. Nanguna si Bryant sa rebuilding ng Lakers pagkatapos ng termino ni O’Neal.

Pitong taon pa ang nakalipas bago dumating ang pang-apat na ring ni Kobe noong 2009, sinikwat niya ang huli sa sumunod na taon. Partner na niya noon si Pau Gasol. At sa huling dalawang championships, si Kobe ang Finals MVP.

GOAT? Kanya-kanyang pananaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?