134

Feb 16, 2020 @ 11:20
By

Kobe, Gianna nilibing na

Pribado at taimtim na pagdadalamhati ang ginawang seremonya sa paghahatid sa huling hantungan kay NBA Los Angeles Lakers Legend Kobe Bryant at anak nitong si Gianna nitong nakaraang Biyernes, Pebrero 14, sa Corona Del Mar sa Newport Beach sa California.

Sa mataas na bahagi ng Pacific Memorial Park, kung saan tanaw ang Pacific Ocean, hinimlay ang labi nila Kobe at Gianna at pinalibutan ito ng purple at yellow flowers na sumisimbolo sa kulay ng LA Lakers, habang nilagay din ang mga lobo at mga bulaklak na papel na ginawang pin wheels.

Ilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang pinayagang dumalo sa pribadong seremonya sa Loob ng Pacific Mortuary.

Nagkakahalaga nang halos $500,000 dolyar ang private family estate plot kung saan tanaw ng Newport Beach coast line at malapit lang sa tahanan ng mga Bryant.

Noong nakaraang linggo, nilabas na ng County of Los Angeles Department of Health ang medical report ng siyam na biktima ng helicopter crash noong Enero 26, 2020.

Batay sa report, blunt trauma na sanhi ng aksidente ang ikinamatay ng lahat ng mga biktima.

Isang Public Memoria ang nakatakdang gawin sa Staples Center sa Los Angeles sa Pebrero 24, bilang pagkilala sa numerong 24 na jersey number ni Bryant nang magretiro ito sa NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?