78

Kobe dumepensa sa ‘patama’ sa UP

“I wanted to start fresh in a school that really has nothing,” – ‘yan ang naging pahayag ni Kobe Paras kaya napili ang University of the Philippines sa kanyang collegiate basketball career.

Pinalagan ng mga ‘Iskolar ng Bayan’ ang nasabi ni Paras, tila nakababastos umano para sa UP community ang mga nasabi ng dating Creighton University varsity player.

Ngunit ayon kay Kobe, wala siyang gustong patamaan at kanya lamang nilahad ang basketball history ng Fighting Maroons na huli pang nagkampeon lampas tatlong dekada na ang nakalilipas.

“I mean, I didn’t say anything bad,” ayon kay Paras. “You’ve seen the seasons way past, they haven’t won a championship. I didn’t mean it in any disrespect. I don’t need to clarify myself and the UP community knows that I’m doing this for them.”

Bago mapatid ng UP ang kanilang Final Four drought noong nakaraang season, 22 taon ang hinintay ng mga Isko at Iska para makaabot sa playoffs ang kanilang koponan.

“I’m representing UP so it makes no sense to talk trash about them,” aniya pa.

Average ngayon ang 21-year old baller ng 22.5 points at anim na rebounds para sa UP, na asam matapos naman ang dry spell ng UP pagdating sa UAAP championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?