28

Jun 22, 2020 @ 11:47
By

Kobe best daddy sa buong mundo – Vanessa Bryant

Pinagdiwang ni Vanessa at kanyang mga anak ang unang Father’s Day na hindi kapiling si Kobe Bryant.

Sa Instagram post ng biyuda ni Kobe, sinabi nito na ‘BEST daddy’ sa buong mundo si ‘Black Mamba’.

“Happy Father’s Day to the BEST daddy in the world,” ayon kay Vanessa. “We miss you so much. We love you forever and always. Love, Nani, Gigi, BB, Koko and VB.”

Si Kobe ay nasawi noong Enero matapos mag-crash ang sinasakyan nitong helicopter sa Calabasas, California, kung saan kasama rin niya ang anak na si Gianna sa mga pumanaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?