49

By

Koala na-rescue sa pagkakasunog

Naantig ang damdamin ng mga netizen matapos mapanood ang isang babae na naglakas-loob na sumugod sa gitna ng bushfires para sagipin ang isang nasusunog na koala.

Naging instant hero si Toni Doherty matapos niyang ibuwis ang kanyang buhay para makuha ang nasusunog na koala mula sa bushfires sa Long Flat, Australia noong Nov. 19.

Kuwento ni Doherty sa Nine News, naispatan niya ang koala nang mapadaan sila sa lugar.

“It was terrifying to see him just come out of the flames and he looked so defenseless running along the road,” aniya.

Matapos niyang ma-rescue, umiiyak daw sa sakit ang koala dahil sa apoy sa katawan nito.

“I’ve never heard a koala before. I didn’t realize they could cry out. It was just so heart-rending and I knew I needed to get him out of there as quickly as possible,” dagdag pa niya.

Dinala na ang 14-year-old koala sa Port Macquarie Koala Hospital para magamot ito. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?