62

By ,

KO win vs Funai target ni Ancajas

Ayaw pakasiguro ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas sa darating nitong laban kontra Japanese boxer Ryuichi Funai.

Muling dedepensahan ni Ancajas(30-1-2, 20 KOs) ang kanyang titulo sa ikapitong pagkakataon ngayong Mayo sa boksingerong si Funai (31-7, 22 KOs).

Sa ginanap na press conference at media workout kahapon ni Ancajas sa Marines Base Camp sa Ternate, Cavite, ngayong Martes sinabi nito na hindi niya sigurado kung mana-knockout niya si Funai pero susubukan niyang gawin ito.

“Yung knockout talaga, kahit kami mismo na boksingero, nabibigla lang din kami na mana-knockout namin ‘yung kalaban. Pero susubukan ko na (gawin ‘yun) kasi nagte-training naman kami,” sabi ni Ancajas.

Lilipad na patungong Amerika ang kampo ni Ancajas sa Abril 23 kaya minomonitor nila ang 125 lbs na timbang ng boksingero.

Inamin din ni Ancajas na napagtanto niya lamang ang kahalagaan ng titulo na kanyang hawak nang magtabla ang huling laban nitong Setyembre kontra Alejandro Barrios.

“Noong nagtabla po ‘yung laban, ang dami pong tao na nag-react. Parang doon ko po nafi-feel na napakaimportante pala ‘yung hinahawakan mo na titulo. Dapat magpursige ka para mas maganda pa ang ipakita ko sa itaas ng ring,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?