125
Knicks, Lakers agawan kay Davis
By

Knicks, Lakers agawan kay Davis

New York Knicks at Los Angeles Lakers na lang ang pinagpipilian ni Anthony Davis na maging susunod na destinasyon sa NBA.

Sa report ng The Athletic, mula sa apat na koponan ay nilimitahan sa dalawa ang nais lipatan ni Davis matapos umayaw ang All-Star forward sa New Orleans Pelicans.

Posibleng gawin ni Davis at kanyang management na Klutch Sports na sakaling i-trade ito sa iba ay hindi ito magre-renew ng kontrata sa kanila.

Kaparehas ng agent ni Davis ang sa four-time league MVP na si LeBron James, lalong nagpapalakas ng ugong na posibleng Lakers na ang susunod niyang koponan.

Matatandaan na bukas na rin ang Pelicans na makipag-trade sa Lakers para kay Davis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?