240
Jessica Soho
By

KMJS, 7 iba pa, nominado sa 2019 New York Festival

Abot na sa ibang bansa ang kalidad ng mga documentary at public affairs na gawang Pinoy matapos manomina sa 2019 New York Festivals ‘World’s Best TV and Films’ Competition.

Isa sa mga pambato ng GMA-7 ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na tampok ang kanilang segment na ‘Salay’ sa Community Portraits category. Ito ay tungkol sa mga estudyante at mga guro sa Davao Oriental na kinakailangang tumawid sa ilog gamit ang ‘salay’, isang uri ng cable car na gawa sa rattan.

Nakasama naman sa Current Affairs category ang ‘War Zone ER’ mula sa I-Witness na tungkol sa naging estado ng mga nasugatan at medical practitioner sa Marawi siege.

Ang ‘Bilanggo ng Isipan’ naman ni Kara David ay lalaban sa Health/Medical Information category na tungkol sa mental health sa bansa.

Ang dalawa pang galing sa Kapuso Network ay ang ‘No Leftovers’ ni Atom Araullo para sa Social Issues category, na tungkol sa pag-aaksaya ng pagkain sa bansa.

Ang ‘Batang Maestro’ naman ng Reel Time ay sabak sa Heroes Category. Ito ay tungkol sa isang 12-anyos na nagtuturo sa Sorsogon, kinakailangang tumawid ng ilog at bundok para lamang maabot ang kapwa kabataan na hindi nakakapunta sa eskwelahan.

Ang tatlo naman ay mula sa ABS-CBN, ang una ay ang Mission Possible: “Kapit lang Anak” na nominado para sa Public Affairs Category.

Ang Elsa and Sarah naman para rin sa Mission Impossible ay nominado para sa Station/Image Promotion category.

Ang isa pa ay ang Local Legends: Karne Norte para naman sa Biography/Profiles category.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?