49

Klase sa Cagayan balik na sa normal

Balik sa normal ang klase sa buong lalawigan ng Cagayan matapos makaranas ng ilang araw na pagbaha, ayon sa Cagayan Provincial Information Office (CPIO).

Binawi na ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang umiiral na suspensyon ng klase.

Sinabi ni Mamba na balik na rin sa trabaho sa ang mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.

Ayon kay Mamba, base ito sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO).

Base sa pangkalahatang pagtaya ng PCCDRRMO, wala nang banta ng panganib kaya inirekomendang bawiin na ang umiiral na suspensyon.

Ipinaubaya naman na ni Mamba sa local chief executives o municipal mayors kung mananatili ang suspensyon sa kani-kanilang bayan lalo na sa mga lugar na may pagbaha pa. (ALLAN BERGONIA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?