39

By

Kita ng Customs, lumagpas ng higit P2B sa target collection noong Agosto

Nahigitan ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa buwan ng Agosto makaraang umabot ang kita ng ahensya sa P51.739 sa nasabing buwan.

Ayon sa BOC, mas mataas ito ng P2.326 billion o 4.7 percent kaysa sa P49.31 billion na target nitong kita para sa Agosto.

Labinglimang mga collection district ang nakapag-ambag umano sa mas mataas na target collection ng BOC at kasama na rito ang mga pantalan sa Batangas, Maynila, Limay, NAIA, Cebu, Davao, Cagayan de Oro, San Fernando, Iloilo, Clark, Tacloban, Legaspi, Zamboanga, Aparri at Surigao.

Ayon kay BOC Commissioiner Isidro Lapeña, mas mataas ng 35.1 percent ang kita ng ahensya para sa Agosto ngayong taon kumpara sa naitala nitong revenue sa kaparenong panahon noong 2017.

Ang mas mataas na koleksiyon ay bunsod umano ng pagbaba ng halaga ng piso, mataas na presyo ng langis at pagpapatupad ng reporma sa ahensya.

Sa kabuuan ay umaabot na sa P384.3 billion ang kabuuang koleksiyon ng BOC mula Enero hanggang Agosto ng taong ito, mas mataas ng 4 percent kumpara sa P283.56 billion na revenue collection noong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?