40
Kiskisan nina Paul Lee, Chris Ross, normal lang
By

Kiskisan nina Paul Lee, Chris Ross, normal lang

Sa larong basketball, hindi maiiwasan ang buntalan at pisikalan, at ‘yan mismo ang nangyari sa pagitan nina Paul Lee at Chris Ross sa laban ng San Miguel at Magnolia.

Sa second quarter, kita ang pagbabalyahan ng dalawa na nauwi sa dami ng pito mula sa referee, una ang pagbangga ni Lee kay Ross dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Gumanti naman si Ross ng bangga kay Lee kaya’t tinawagan ng offensive foul ang SMB guard.

Paliwanag ni Lee, wala umanong hidwaan sa pagitan nila ni Ross matapos ang laban at normal lang ang banggaan sa loob ng court.

“It’s part of the game. Physical lang talaga,” ayon kay Lee. “Normal lang naman yun. Basketball yung nilalaro natin, e.”

Maging ang six-time PBA champion na si Ross ay pareho rin ng sentimyento kay Lee.

“We’re just playing basketball. Body bump is all part of the game,’ ayon sa SMB star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?