32

By

Kiram, Carrion tampok sa TOPS Usapang Sports

Sa ika-6 na edisyon ng “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) makakasama ng mga ito ang natatanging babae sa sports.

Pangungunahan ni Commisioner Celia Kiram ng Philippine Sports Commission (PSC) ang nasabing forum na gaganapin ngayong Huwebes, Enero 17, alas-10 ng umaga sa National Press Club.

Makakasama rin ni Kiram sa forum na ito si Cynthia Carrion ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) at sina Mardel Claro Preciosa Delarmino ng Muay Association of the Philippines (MAP).

Tatalakayin ni Kiram ang ilan sa kanyang mga sporting activity na kanyang gagawin na may layunin na i-promote ang sports sa kababaihan at mga bata.

Ang mga activity na ito ay kabibilangan ng Philippine National Games at Batang Pinoy, na inaasahang makakapag-produce ng ilang magagaling na babae at kabataan sa sports.

Ikukuwento naman ni Carrion ang matagumpay na kampanya ng gymnastics association noonh nakaraang taon kasabay din nito ang mga nakalinya na activities para sa 2019.

Magiging kinatawan naman ng ni MAP head Pearl Managuelod, na kasalukuyang nag-aaral sa kanyang Masteral course sa Canada, sina Claro at Delarmino.

Si Claro ang kauna-unahang international Muay technical official ng bansa habang si Delarmino naman ang national team coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?