17
Kiram: 6th Martial Arts Festival sa Harrison
By ,

Kiram: 6th Martial Arts Festival sa Harrison

Bubuksan ng Philippine Sports Commission ang ikaanim na edisyon ng Women’s Martial Arts Festival ngayong Mayo 29 hanggang 31 sa Harrison Plaza sa Malate, Manila bilang bahagi ng layunin nito na hikayatin ang mga Pinay na sumabak sa sports.

“We want to continue what we’ve started in last year’s edition, and that is engaging with more than 1,600 women and children, playing sports and exercising their right to do so,” sabi ni PSC Commissioner Celia Kiram.

Ang martial arts festival na ito ay ginawa ng PSC bilang pagsuporta sa Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women, na nagsasabi na ang bawat babae may pantay na karapatan na lumahok sa sports.

Kabilang na rito ang pagsiguro na maalis ang mga gender-based discrimination sa lahat ng competitive at non-competitive sports sa mga kababaihan upang makinabang ang mga ito mula sa sports development.

Ngayong taon, 10 sports ang lalaruin ng lahat ng kalahok kabilang na ang arnis, fencing, judo, karatedo, muay thai, pencak silat, taekwondo, wrestling at wushu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?