224
‘King of Flop’ sa PBA, pagmumultahin na
By

‘King of Flop’ sa PBA, pagmumultahin na

Aminado si Commissioner Willie Marcial na mahirap madetermina kung flop lang ba o totoo ang nangyari sa isang player habang ginaganap ang laro.

Aniya sa spin.ph report, mahirap din sa part ng mga referee dahil kahit sa review mismo mahirap ding madetermina ito.

Sina Terrence Jones, Christian Standhardinger at Roger Pogoy umano ang may pinakamaraming “flops” na natawag sa PBA Commissioner’s Cup Finals sa ginawang video review sa nakalipas na laro ng TNT at SMB.

Kaya sisimulan na umano ng liga ang crackdown sa “flopping” kung saan pagmumultahin na ang mga player ng P3,000 kada violation at madaragdagan pa ito kung umulit ang player.

Nagmulta na si Jones ng kabuuang P12,000 dahil sa flopping habang sina Standhardinger at Pogoy ay pinagbayad ng tig-P6,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?