217
manny-pacquiao2
By

Kinang ni Pacquiao unti-unting nalulusaw!

Mula pang-35 taong 2016 at ika-59 noong isang taon, lumagapak sa pang-63 na lamang ngayong 2018 si eight-division champion Manny Pacquiao sa listahan ng taunang World Fame 100 ng ESPN.

Nakuha ni Pacquiao, edad trenta y nueve, ang naturang pwesto matapos makalikom ng 70 search score, 2.5 milyong dolyar na endorsement at 11.4 milyong social media followers.

Ang pinagbabasehan ng listahan para madetermina ang pinakasikat na atleta sa buong mundo ay ang internet search score, endorsements at mga follower sa social media.

Sa ikatlong pagkakataon, naguna si Portuguese football superstar Cristiano Ronaldo may search score na 100, endorsement na umabot ng 40 milyong dolyar at may halos 121.7 milyon na social media followers.

Ikalawa pa rin si basketball superstar Lebron James na may 63 search score, halos 55 milyong dolyar na endorsement at 40.8 milyon na social media followers.

Pangatlo pa rin si Argentinean football star Lionel Messi na nakapagtala ng 134 search score, 25 milyong dolyar na endorsement at social media followers na umabot ng 88.1 milyon.

Pasok din sa Top 10 si Brazilian football star Neymar, maging ang mga basketbolistang sina Kevin Durant at Stephen Curry, tennis stars na sina Roger Federer at Rafael Nadal at mga golfer na sina Tiger Woods at Phil Mickelson.

Taong 2016 ng simulan ng ESPN na ilabas ang World Fame 100 dahil sa isang simpleng tanong kung sino ang pinakasikat na atleta sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?