49
Depress na lolo, nagbigti
By

Kinakapatid pinatay sa paghampas ng dos-por-dos: Sekyu nagbigti

Todas matapos magbigti ang 46-anyos na security guard sa loob ng custodial facility ng Narvacan Municipal Police Station (NMPS) matapos paluin ng dos-por-dos ang kanyang kinakapatid na babae sa Barangay San Antonio, Narvacan, Ilocos Sur noong Lunes.

Kinilala ng NMPS ang nagpakamatay na si Nolie Escobar ng nasabing barangay.

Sa pagsisiyasat ng NMPS, hinuli ng mga awtoridad si Escobar sa pagpalo ng dor-por-dos sa kanyang kinakapatid na si Leonida Cañero, 46.

Bago mangyari ang pamamalo, si Escobar ay nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin at nakipagtalo sa kanyang misis na si Emely.

Dito, nagwala si Escobar sa kanilang bahay at dito sumaklolo si Cañero at pinagpapalo naman ng nagpakamatay.

Agad namang inaresto si Escobar at pinunta sa NMPS custodial facility na kung saan siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang sinturon ng kanyang short pants.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?