170

By

Kim naloka, pinaalis ng fan sa upuan

Kaloka ang experience ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Um-attend siya ng premiere night ng “Miss Granny” na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo, Xian Lim at James Reid.

Naroon siya para suportahan ang pelikula but the most ay ang kanyang rumored boyfriend na si Xian.

Heto na nang nakaupo na si Kim at mga kasamahan sa loob ng sinehan may lumapit na fan at siya’y pinapaalis sa kanyang kinauupuan.

Nagulat si Kim, pero hindi na siya nag-react para ‘di siya makaagaw attention sa ibang moviegoers na naroroon.
Lumipat na lang ang aktres at ang mga kasamahan.

Shocking ‘di ba? Hindi siguro namukhaan ng moviegoer na ito na ang pinaalis niya sa upuan ay isang artista.
Nakunan ng video ang naturang insidente na siyang viral ngayon sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?