106

May 23, 2020 @ 18:50
By

Kim Molina buntis na?

Nagdadalang-tao na nga ba ang sikat na theatre actress at ‘Jowable’ star na si Kim Molina?

Sa kanyang tweet, sinagot ni Kim ang mga rumor, na sinabing nadadagdagan lamang umano siya ng timbang.

“Chubby cheeks, nataba, buntis ka, ANO PA. OO NA TUMABA NA ALAM KO OK MAY SALAMIN SA BAHAY NAMIN,” sey ng dyowa ng comedic actor na si Jerald Napoles.


Depensa ni Kim, wala naman siyang pakialam kung ano ang timbang niya, nagkataon lang na kailangan niyang maging healthy dahil sa sunod-sunod na shooting kaya nag-diet.

“When I did #Jowable, I actually didn’t care kung mataba ako o hindi. I wanted people to see na hindi naman yun ang basehan na Jowable ka. Nagkataon lang na nag diet ako dahil I was also doing #MomolNights & #KG ng sabay. Puyat lagi so I needed a healthier diet,” ayon sa aktres.

“Ngayong quarantine, same as most of you, I eat. Nakakaligaya kaya kumain hoy. Nakakaloka lang na people judge others according to their weight,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?