1,760

By

Kim handa nang gumanap na Sisi Rondina

Mukhang tuloy na tuloy na ang pagganap ni Kim Chiu na Sisi Rondina sa “Maalaala Mo Kaya”.

Sa kanyang Instagram Stories, pinasilip ng Kapamilya star ang clip kung saan makikita ang pagpa-practice niyang mag-isa ng volleyball.

Personal umanong pinili ni Rondina si Chiu na gumanap na siya sa MMK.

“Doing this seriously ???? kaya to!!! ???????? Aja! Looking forward on playing as “you” !!! ???? ????” sabi ni Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?