647
Killer ni Christine, may sakit sa pag-iisip – PNP
By

Killer ni Christine, may sakit sa pag-iisip – PNP

Tatlong anggulo ang tinitingnang motibo sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 16-anyos na estudyante sa Cebu.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, kabilang na rito ang pagkakaroon ng mental disorder ng suspek.

Posible rin umanong nasa impluwensiya ng iligal na droga ang suspek o maaaring bahagi ito ng rituwal ng isang kulto.

Mayroon na umano silang impormasyon hinggil sa pangunahing suspek sa krimen.

“Psychological maniac” din umano ang suspek kung saan ay makakagawa ang isang tao ng isang karumal-dumal na krimen.

“Hindi pa rin matukoy kung ano talaga ang motibo pero ang tinitingnan na anggulo nga ay bahagi nito ‘yung pagiging psychological maniac ng isang tao, na kung saan ay makakagawa ang isang tao ng isang karumal-dumal na krimen,” ani Banac.

Dagdag pa niya, kapag ang isang tao ay may psychological disorder at high sa droga kapag pinagsama ay makakagawa talaga ng karumal-dumal na krimen.

Noong Marso 11 nang matagpuan ang bangkay ni Christine Lee Silawan sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu, Cebu.

Bukod sa binalatan ang kalahating mukha ng biktima kung saan lumabas ang bungo nito ay tinanggal din ang ilang lamanloob niya gaya ng trachea, dila at esophagus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?