29

By

Kilalang tulak, gang leader, utas sa GenSan

Patay ang isang notoryus na drug pusher at kilalang lider ng robbery gang matapos ang naganap na shootout sa ikinasang buy-bust operation, Lunes ng gabi sa General Santos City.

Ayon kay Maj. Tirso Pascual, hepe ng Bula police station, nakilala ang nasawing suspek na si Marjoy Macahidhid, 30-anyos, resident ng Barangay Bula makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis na nagsagawa ng entrapment operation para makabili ng droga sa labas ng bahay nito bandang alas-7, Lunes ng gabi.

Nakaamoy umano ang suspek na pulis ang kanyang nakatransaksyon at agad na naglabas ng home-made Uzi sub-machine gun at nagpaputok ng baril at sa kasamaang palad ay natamaan ang suspek.

Agad na dinala sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital ang suspek subalit idineklarang dead-on-arrival ng mga umasisteng doctor.

Nakumpiska mula sa suspek ang Uzi sub-machine gun, 10 sachets na naglalaman ng shabu at ilang cellphones.

Base sa intelligence information, kilala ang suspek bilang big-time pusher at utak ng mga robbery case sa lugar na kung saan ay nagmula ito sa bayan ng Alabel sa Sarangani province at kilalang lider ng Magbanua robbery-holdup group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?